Isang Tula Para sa Iniirog

Naisin ko man sana ang lumayo sa iyo

Ngunit ang iyong mga mata’y sadyang mapaglaro

Inaakit ang atensyon ko na dapat sana’y wala

Isa ba itong pahiwatig ng Diyos at tadhana?

 

Tinalikuran ko na ang lahat ng aking bisyo

Ngunit ang iyong presensiya ay dagdag ba sa ito?

Duwag man ang aking dibdib para makipag-usap

Naghahanap ng pagkakataon sa hinaharap?

 

Sa likod ng kanyang itim na lipstick

Ay ang mga labi na kulay rosas na nakakapanabik

Ang kanyang kakaibang istilo ng pananamit

Likha ng sining na ubod at bukod-tangi

 

Sino ang dapat sisihin sa lahat ng mga ito?

Ang aking dinarama na ayaw man lang humayo

Naaaligaga na sa kakaisip bawat araw

Lumalala, lumalalim, bumilang man hanggang walo

 

Minsan nadadatnan kitang mag-isa

Nagsusulat, nag-iisip, ng mga salita sa kanta

Dala mo ang iyong minamahal na gitara

Parang ako na nagsusulat nitong mga tula

 

Susubukan ko na sanang ika’y lapitan

Ngunit mukhang hindi ka yata bukas makipag-kaibigan

Galit at poot ang sa mukha mo’y nakapintura

Siguro’y iniwan ka ng iyong sinisinta?

 

Kailan ka kaya muling maaayos?

Hahayaan mo na lang ba ang ganyang unos?

Bigyan mo sana ako ng pagkakataong tulungan ka

Upang maiwaksi ang malungkot sa masaya

 

Matinding laban ang aking ipinanalo sa aking isipan

Kung dapat ko bang ituloy o iwan

Iniirog kong dilag, sana’y iyong malaman

Matagal na kitang nais ngunit ika’y bulag sa katotohanan

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s