Isang Tula Para Sa Mag-aaral

Ang tulang ito ay para sa akin

Ngunit para din sa mga mag-aaral na katulad ko rin

Binabaha at binabagyo ka man ng mga gawain

Ilang minuto mo sana’y ibigay sa tula ng malikhain

 

Puspusan man sana ang iyong pag-iintindi’t pagbabasa

Hindi lahat ng ito ay nakatadhanang maalala

Bagkus kung huminahon at malalim na paghinga

Lilinaw ang diwa at isip ay gagana

 

Mga katanungan na madali sanang masasagot

Kung nag-aral ng mabuti at hindi inatupag ang pagtulog

Ngunit hindi lahat ng tao’y kagalingan ng isip ay ubod

Sadyang may mahina’t tamad sa pagsubok

 

Kinikilala bilang isa sa mga magagaling

May dunong man ito ngunit tatamad-tamad pa rin

Bibihira lamang ang mag-aaral na sobrang magiliw

Sa isip at sa sagutan, ‘di mawari ang ibig

 

Isang lumang kanta na ang pagiging masipag

Oo at daig talaga nito ang matalino’t masagisag

Ngunit lahat ng mag-aaral ay may kani-kaniyang kahinaan

Lahat naman magaling, sadyang sa tukso ay talo lamang

 

Sabi ng isa kong guro sa akin

“Magsunog ng kilay upang tagumpay ay makamit din,”

Ngunit walang matagumpay ang hindi nadapa rin

Lahat sila’y nabigo ngunit bumangon para sa hangarin

 

Ilang libong beses man nila akong pabulaanan

Walang ibang masusunod kundi ako lamang

Kahit na ipagpwersa pa nila ako’t pagtulungan

Nasa akin pa rin ang hudyat ng kasipagan

 

Hindi lamang sa pag-aaral ang atensyon ng isang tao

Isang rin tayong magiting na anak, kapatid, iniirog at empleyado

Bawat isa dito ay may kaakibat na tungkulin at serbisyo

Kung kaya’t isa kang tao na minsan ay gago

 

Mag-aaral, hindi mo lahat kailangang isakripisyo

Kung kayang pagsabayin, bakit kailangang may magbago?

Basta’t sa puso ang ang alab ng determinasyon ay bumabagyo

Sa taong ganito ay walang makatatalo

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s