Isang Tula Para Sa Guro Kong Hukom

Ako’y ubod na nagagalak sa iyong pagdating

Pamamahagi ng iyong kaalaman ang aking hihintayin

Pag-aaral ng mabuti’y isa sa aming mga tungkulin

Makasagot sa tanunga’y iyong alituntunin

 

Mga index cards namin ay iyong binalasa

Sa mabubunot mo’y isang malas o swerte nga ba?

Malalamig na pawis ang patuloy na dumadanak

May ilan din ang nagdarasal na hindi ngayon matawag

 

At hayun! Ako nga ang unang iyong tinawag

Laking gulat at ito’y nagdulot ng aking pagkaduwag

Ngunit determinasyon ko’y hindi mo matitinag

Maging isang abogado’y pangarap na nag-aalab

 

Unang tanong na ang iyong sinambit

Hudyat na nga ba ito ng aking pagkasawi?

Silakbot at takot ang dinarama bawat sandali

Pintig ng aking puso’y daig pa ang isang mang-aawit

 

Dala ang armas ng aking pinag-aralan kagabi

Nasagot ko ng maayos ang tanong mo, baka sakali

Nakahinga na ng maluwag, walang takot sa dibdib

Ako’y iyong pinaupo na, na may kasamang ngiti sa labi

 

Ngunit ang kasiyahang ito ay hindi permanente

Sapagkat ako’y tinanong na naman tungkol sa isang ponente

Ng isang desisyon sa kaso na hindi ko lubos maiwari

Kaya’t lungkot na ang sa saya’y pumalit

 

Pinagsabihan mo ako na hindi ako nag-aral

At tinanong kung bakit hindi ko nabasa ang kasong ipinaaral

Hindi ako kumibo dahil sa ako’y nauutal

Nag-aral naman ako, sadyang hindi siya naikintal

 

Ang bawat sandali ay para bang ilang oras

Sa bawat tanong mo’y para akong binuhusan ng sopas

Ngunit kahit ganito man ang buhay, marahas

Alam ko na para sa tagumpay ito sa mga susunod na bukas!

 

 

 

Advertisements
Quote | This entry was posted in Mga Tula ko sa Wikang Pinoy. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s